Monday, December 1, 2008

patay!

patay. malapit na pasko. patay nanaman ang budget. patay nanaman ang diet. patay nanaman ang ninong at ninang. sa parte ko, patay nanaman ang mga inaanak ko. patay din dahil toooot na ang toooot ni toooot.

well, dahil malapit na ang pasko, sasabayan ko na ang mga taxi drivers sa pangangapal ng mukha. (napansin niyo ba kung pano sila naging LALO PANG mapili, maarte, mareklamo, at talagang makakapal ang mukha??)

pero bago pa ko mapunta sa kapalan portion, pansinin niyo ang binagong paglalapat ng mga bagay. mas malaki na siya at ang banner... naman.... paskong pasko!! pwera nalang sa pang-undas na mukha na nasa kaliwa. wag nang pakelaman dahil ganyan talaga.

heniweist, dahil isa ka sa mga stalker ko -- at apat lang naman ang dahilan nito: una, kamaganak kita. pangalawa, may gusto ka sakin. pangatlo, pinilit kitang bumisita sa blog ko. at ang pang-apat (pinaka walang kwenta sa lahat) naligaw ka lang dito ng aksidente -- eto ang wishlist ko... dahil hindi ako materyoso.

note: para lang mas feel ko, may tumutugtog na christmas songs sa background ko ngayon habang nagsusulat hehehe.

nikon d60


ISANG MALAKING DUH! sinaunang panahon ko pa nilalawayan yan, kaya. peryod.

peace on earth
because i believe in the essence of being human... bwahahahaha. pero seryoso yan.

peace of mind
papayag ba kong ang mundo lang ang may peace? selfish naman ako kahit papano.

lampshade
nasira yung chipanggang lampshade na binili ko. takte, yun pa naman yung "touch touch" na lampshade. ang bilis naman masira. pfft.

bed
kasi yung kama ko, pinamahayan na ata ng mga engkanto sa kalumaan. di ko type masyado ang poster bed, natuwa lang ako sa itsura nito.

couch
para maganda.

dining set
para MAS maganda.

red wall
matagal ko nang gusto pinturahan ng red. kaso nakakatakot pag summer. baka mamatay ako sa init.

apartment renovation
para mas madali =D



eto naman mga gusto kong bilhin para sa sarili ko. halo halo na yan.


casual shirts, lots of them. leather shoes - i've been looking but i haven't found one that i like, yet. macbook - wishlist nga eh. sony ericsson xperia - parang maganda kasi, pero hindi ko bibihin haha. pabango - may pabango na rin akong ganyan, di ko lang alam kung yan ulit gusto ko or hanap ako ng iba ulit na magugustuhan ko. earphones/earbuds - nginatngat ng daga yung sa ipod ko, shet. boxer briefs - marami, para di na ko bibili. gusto ko yung cotton/lycra blend para snug and breathable. yung isang malaking speaker ng ipod - wala lang, ayoko talaga, natuwa lang ako sa itsura haha. at matagal ko nang iniisip kung magpapatahi ako ng bagong suit. maayos naman yung suit na napatahi ko last time, kaso parang may hinahanap akong iba. yung tipong pagsuot mo pa lang, feel na feel mo na humarap sa tao. hehehe. ang arte. di ko rin alam kung gusto ko ng charcoal grey or grey talaga. wala lang.

ok yun lang. bow.

ciao!

No comments: