Monday, November 20, 2006

my life... or as i hope it to be...

my life... or as i hope it to be...

life is unfair. it throws us all these limitations that might hinder our happiness. but life also gives us the tools with which we can turn things around. with these tools, whether it be our dreams, our industry, our definition of happiness or even our contentment, makes life worth living and worth doing.

i came across this kiwi. no matter how life was on him, he JUST MADE IT WORK.



hope you're inspired.

ciao!

Wednesday, November 15, 2006

silang mga customers

silang mga customers

nagtatrabaho ako ngayon sa isang kilalang companya na humahawak ng mga piling brands (go figure) management trainee ako kaya kailangan kong daanan lahat ng mga departments sa isang boutique. katatapos lang ng sales consultancy ko. salesman in short. at ito ang aking mga nakita, narinig at napagdaanan.

si ate/kuya

ito yung mga batang babae o lalaki na nasa edad na 15-20. iikot sila sa tindahan at titingin ng mga gamit. alam mong mga immature pa sila kasi ang una nilang pupuntahan ay yung may iba-ibang kulay na department o yung may umiilaw o yung KIDS DEPARTMENT. tapos ang malala dito parang gusto mo sila pauwiin ulit kasi sa porma pa lang, para silang inutusan lang ng suka ng nanay nila at dahil sosyal si ate, bumili ng suka sa glorietta. taray diba.

jologs

eto walang age requirement. isa lang ang pinupuntahan nila. yun yung may mga malalaking letra sa mga signage na nakalagay


kaya ang promo stand, parang pinutakte sa dami ng mga nilalang na ito. at pag nakita na nila kung magkano ang promo o discount, susundan pa ng isang tanong: KELAN ULIT KAYO MAGDIDISCOUNT? MAGKANO?

ang mga suyod

daig pa nila ang suyod sa pag aalis ng mga kuto. kaya nilang suyurin ang buong tindahan para lang humanap at gumamit ng testers. mapa-lotion, perfume, cologne, laruan, aftershave, pagkain - siguradung lahat yan itetest nila. at sa maniwala kayo't sa hindi, may nakita na kong ginawang lunch ang free taste.
at dahil tunay siyang mausisi, maghahakot pa to ng mga kapatid, kaibigan, asawa, kaklase at kung sino sino pa para i-test din nila ito.

mr. i-have-it-all

naka experience na ko ng customer na papasok sa tindahan na parang gulong gulo ang utak niya. dadalin niya ang kaguluhan ng utak niya sa mga damit na nakadisplay at sabay tanong:

"sa tingin mo, pag pupunta ako ng kasal, ano dapat ang isuot ko?"

syempre, kailangan kong sumagot:

"ah sir, sa hapon po ba o sa umaga?"
o diba, parang HIGH TIDE OR LOW TIDE?!

"sa umaga."

"mas maganda po kasi sa umaga yung mga light colors. tapos sa gabi yung darker colors." sabay turo at suggest ng mga polo.

sa dami ng tinuro ko isa lang sagot niya.

"... ay... meron na ko nyan sa bahay eh... sa neck tie kaya?"

ako naman si tanga, turo ulit. suggest dito, suggest doon. tapos sympre meron na rin siya sa bahay nun.

"eh putangina sir, nakikita naman ninyo ang nakadisplay na mga polo diba? kung meron kayo lahat niyan sa bahay, BAKIT PA KAYO BIBILI?!?!?!? umuwi nalang kayo"

sa isip ko lang yun.
at ang mabigat pa dun, kinaya niya pang magpa-reserve ng 3 polo. magsasara na ang tindahan, hindi pa siya bumabalik. hmmm, siguro... meron na siya sa bahay nun.

nagmamaganda at nagmamagwapo

ito ang mga taong feeling nila ang super ganda o gwapo nila. pag binati mo sila, parang feeling nila may crush ka sa kanila. dahil na rin sa sobrang pag fi-feeling nila, lalo silang mag-iinarte at magpapacute. mga taong masarap batuhin ng item. o kaya, mas maganda, yung malaking rack ng mga items. papasok sila sa store na nakataas ang noo at pa-english english pa, hindi mo naman maintindihan ang sinasabi. di lang nila alam, pagtalikod nila pagtatawanan nalang sila ng mga staff.

isnaberong "mayaman"

pwede na rin itong ilagay sa mga nagmamaganda at nagmamagwapo. ang mga taong ito naman ang mga nagfi-feeling mayaman. taas ng kilay ang sagot ng mga kawawang nilalang na ito sa mga good afternoon at good morning mo. dakilang utusero't utusera. kung magalit akala mo bigating customer. may mga nagsasabing matagal na silang customer pero sa tagal mo doon, at pag tinanong mo ang ibang staff, pare pareho lang namin silang nakita sa unang pagkakataon. kung magtaas ng boses akala mo kanila ang tindahan. pero katulad ng naunang kategorya, di nila alam ang lakas ng tawa namin pag alis nila. they are so pathetic!!

tunay na mayayaman

hindi ko alam pero ang nakakatuwang isipin eh yung mga taong alam mong mayaman ay yung talagang mababait at mahinahon. hindi sila utusero't utusera. sila yung pag may hinanap, mahihiya kang hindi maghanap sa sobrang bait at polite. hinding hindi sila nagtataas ng boses. sa bawa't pagbati mo, isang nakangiti at sinserong pagbati rin ang makukuha mo. may breeding talaga.

tagahimas, inspektor, atbp.

ito ang mga taong wala lang. napadaan lang sila sa tindahan. di naman nakakairita, di rin maganda. kasi papasok sila para lang mag window shop. o talagang dumaan lang. titignan ang mga merchandise, hahawakan... tapos aalis. hindi rin nagsasalita. hindi rin bumabati, pero hindi sila bastos. yun yung mga taong... wala lang. yun lang. bow.


i think i will encounter more of these species as i go along. and don't get me wrong, there are a lot of good and nice customers. but these are just worth note-taking. and i will do every observing to keep a record on my blog to keep each one of us watchful of our interactions.

it just makes me laugh and wonder about these people; how are they in their homes? how are they with their friends? ano kaya ang nangyayari sa buhay nila...
in the 8 hours of watching, observing, and assisting these customers (60% of the time are just standing and doing nothing) you just have to wonder.

i the meantime, until the next ish.

ciao!

Thursday, November 9, 2006

buhay sales man

ang buhay sales man

good morning ma'am! good morning sir!

yan ang linya ko sa trabaho ko ngayon. mga two weeks lang naman, pero kala ko ligtas na ko sa linya ko dati na

thank you for calling

at ngayon napalitan nanaman ng

happy holidays ma'am! happy holidays sir!

haay. nakakapagod. feeling ko nga autistic na ko dahil sa pagtayo maghapon. nagiging OC na rin ako dahil sa laging walang magawa pag walang tao ang tindahan. inaayos ko yung mga manggas ng t-shirt, tinitignan kung pantay ang mga hanger, sinisiguradong malinis ang mga naka display na items.

tapos ang masama kung may makausap man akong ka trabaho, isa lang ang paksa ng usapan.

tanong no.1: first job mo po, sir?

tanong na malamang kasunod ng unang tanong: san po kayo nag-work dati?

tapos sa mga ignoranteng walang alam, susundan ng isa pang tanong: ano yun/san yun?

tapos ako naman dahil sa sobrang wala nang choice kundi ang pahabain ang usapan para naman di ko mamalayan ang paglipas ng oras, papahabain ko pa siya. kukwentuhan ko sila ng mga nangyari sa kin sa una kong trabaho. tapos susundan ng isa pang tanong na ayoko talagan sagutin. dahil halos lahat sila mas matanda sakin at ayokong isipin nila na sa kesyo mas bata ako sa kanila, mas may alam na sila. syempre di ba, di mo naman matatanggal yun. yung tipong iisipin nila na

"ay ang bata pa niya, anong alam niya?"

ayokong mag alinlangan sila sa kakayanan ko base sa aking edad lalo pa't malaki ang pagkakataong ako ang hahawak sa kanila.

kung ano pa man, siguro masaya na rin ako sa ginagawa ko ngayon. mahirap siya sa pisikal na lebel. pero sa mga natututunan ko, gusto ko ang ginagawa ko.

nagkataon pang sumabay na manigarilyo yung isa sa mga supervisors din doon kaya't nakapagkwentuhan naman kami. natanong ko siya tungkol sa trabaho niya at kung ano pang mga anik-anik. hehe.

o siya, medyo mahaba na eh.

ciao!

Tuesday, November 7, 2006

hapo

hapo
[adj] {Filipino} ang pakiramdam ng labis na pagkapagod

oh my gulay. i'm dead tired.

i feel that anytime soon my legs will just crumble and leave me on the floor breathless. i can feel the throbbing of each vein in my legs. the muscles in my thighs are sore and hard. everytime i breathe, i can feel even the tiny spasms in my toes.

and i'm not talking about the after-sex-kinda-tired. I AM PHYSICALLY EXHAUSTED. i'm just filling my head with the thought "this will be over in two weeks... TWO FREAKING WEEKS..."

but it's just my first week. aaaaaaaaaaAAARRRgggHHH!!

anyway i'll give an update to my loyal 4 readers out there when i'm finally sane enough to post something sensible.

ciao!

Wednesday, November 1, 2006

the birthday boy

la vedette du jour

we celebrated my egg hatching last saturday. it's nice seeing people again. i just wanna make this short though.

ze birthday boy

thanks to sha, cha, ivar, kat, percy, sid, jd, macky, yuri, rr. you made the day extra-extra special and YOU MADE ME feel super special din! thanks again!

(clockwise) rr, sid, ivar, percy, cha, sha, myself, kat

sid, bryan, rr, macky, sha, cha, ivar

ang dami ko ring regalo... na cake. haha i told them na sana nag-usap nalang sila kung ano gift nila sakin. haha...

strawberry mousee from yuri

choco MARJORETTE from sha

triple decker choco-moccha cake from jd and mikee

chocolate caramel cake from percy and kat

i also asked them to be in their costumes. only one came with her costume on. LOL!

too early for halloween?

anyway my work started last monday. it's quite fun because i feel like i'm in school again. nice. i'm just really worried about those two years. but, whatever.

ciao!