Tuesday, October 4, 2005

tissue

starbucks' tissue
isusulat ko ang tula sa tisyu.
umaasang sa akmang panahon,
magagamit mo ito
sa pagpahid sa iyong mga luha.
kahit na maluray ang tisyung ito,
alam kong sa takdang panahon,
ito pa rin ang dadampi sa mga
namumula mong mga pisngi.
gamitin mo ito.
at kahit sa pagkadurog nito,
alalahanin mo ang ginawa mong
pagdurog sa puso ko.
isipin mo na rin,
sa pagkabasa nito
ang lamig na nadudulot ng mga natuyong
luha sa unang gabi-gabi kung mabasa.
matapos ang lahat ng ito,
bilugin mo ito
tulad ng pagbilog mo sa utak ko
noon.
at itapon sa tabi.
tulad ng pagtapon mo sa pag-ibig ko
sa'yo.