Wednesday, February 24, 2010

.

Panginoon,

Dasal ko po ang patuloy Ninyong pag-gabay sa aking buhay na madilim sa kasalukuyan. Nawa'y Kayo ang magsilbing liwanag sa lahat ng aking tatahaking landas. Turuan Mo po ang sugatan kong puso na muling magtiwala sa pagibig; pagibig na nagpaparaya, mapagbigay, at walang pagiimbot. Hilumin ang mga sugat ng panglilinlang at kasinungalingan. Bigyan po Ninyo ako ng lakas ng loob na magtiwala at magmahal muli. Alam po Ninyo ang dasal ng puso kong nangungulila -- pawiin ng Inyong kamay ang pusong pagal.
Isinusuko ko na po sa Inyong mga paa ang anumang sakit na nararanasan ko ngayon. Buo ang aking tiwala sa Inyong karunungan at ano mang plano sa buhay ko.
Bigyan din ako ng lakas upang magpatawad ng walang pagaalinlangan.
Sa kabila ng lahat, buong kaluluwa ko pong tinatanggap ang lahat ng pasakit na pinagdadaanan ko ngayon. Anu man ang kahinatnan ng lahat ng ito ay para po sa Inyong kapurihan at kadakilaan.

Isinusuko ko na po ang buo kong pagkatao sa Iyong kalooban.

Amen. Amen. Amen.



No comments: