Tuesday, November 10, 2009

ang pagpapatuloy

at sa muling pagkakataon, binaybay ko ang kahabaan ng madilim na eskinita pauwi.
nabaling ang mata ko sa liwanag na nanggagaling sa langit --
maliwanag ang buwan bagama't kalahati lang nito ang nagpapakita,
nakikipagtalo naman ang maraming bituin sa paligid nito.

napatungo ako sa kayabangan ng kalangitan
at nakita ko ang tsinelas kong marupok -- gamit na gamit.

sa isang iglap, bumungad na sakin ang pintuan ng bahay.

No comments: