Friday, September 4, 2009

sa sumasakay ng jeep

umuulan nung patakbo ako papunta sa jeep. basa na ang bag ko at basa na rin ang dala kong pagkain na nakalagay sa plastic bag. dali-dali akong pumasok sa jeep. ako lang ang tao.

umupo ako sa dulo ng jeep at dumudukot na ako ng pambayad ko sa driver nang ikaw ay dumating. nagkatitigan tayo sandali tapos umupo ka sa harap ko. may pumasok pang isa at umupo siya malapit sa likod ng driver.
"bayad po." ang sabi ko sa kasasakay lang. mabuti naman at iniabot niya agad ang kamay niya

"salamat!" sabi ko pag-abot niya sa akin ulit ng sukli. nakatingin lang ako sa labas at iniisip ang sabaw na binili ko -- "okay!" sabi ko sa isip ko, "sakto, umuulan pa!"

napansin ko nalang sa gilid ng mata ko na tinititigan mo ko. at hindi lang basta titig. mula sa mga sapatos sa paa ko, sa bag na dala ko, sa jacket na suot ko, sa pagkaing kapit ko, pati na ang payong na hawak ko. kahit na nakakailang kanto na ang dinaanan ng jeep na sinasakyan natin, titignan mo rin ang mukha ko.

na-conscious ako.

kaya sabi ko sa isip ko, "dapat tignan din kita para ikaw naman ang ma-conscious nang matigil ka na rin sa mga tingin mo." kaya tinignan kita -- mata sa mata.

2 segundo na, nakatingin ka pa rin.

3...

4...

5...

ako na ang nahiya. kaya tumingin na ko sa labas. halos kalahati na ng papunta samin ang natahak ng jeep. pero tingin ka pa rin ng tingin. kaya sabi ko sa sarili ko, "sige, last na, tangina matunaw ka sa tingin ko!"

2 segundo...

3...

4...

nang biglaan nalang, ako ang naeskandalo. hindi ko inaakalang gagawin mo yun. sana nagpasabi ka muna, o kaya sinabi mo, "excuse me," o kaya'y nagkunwaring hindi nalang nangyari yun.

ginulat mo ko.

putanginaka. bakit ka nangulangot sa harap ko?!

binilog at pinitik mo pa papunta sakin wayup ka!!

sa mga sumasakay ng jeep, pucha, wag ganun!

No comments: