Monday, June 29, 2009

hindi pa alam

hindi ko pa rin alam kung dapat ba kong matuwa o mainis o magalit sa nalaman ko.
dapat sa isang relationship, kahit na ano pang relationship yan, transparent, honest, at malinaw ang mga bagay bagay. hindi pwede ang "pwede na yun," o kaya "ok na 'to." hindi ko hinihingi ang paghingi ng permiso. ang hinihingi ko lang ay ang ipaalam sa akin kung ano man ang nangyayari dahil ayoko ng gulatan.

ilang ulit ko nang naisulat at nasabi na madali akong maglagay ng tiwala sa mga tao. kaya na rin siguro maraming beses na kong naisahan. pero tangina naman, pag nagtiwala naman sana ako, sana bigyan ito ng halaga. mahirap para sakin ang magbalik ng tiwala. at nahihirapan din akong mag-maintain ng relationship na may pagdududa. madaling sabihing kalimutan na pero mahirap gawin. lalo pa't nangyari pa lang. pero kahit na ano pa yan, handa akong magsimula ulit. wag lang sana paulit ulit.

ang sabi ko nga, para na nga akong sirang plaka, nahihirapan ako pero matiyaga ako. pero sana wag akong mapagod.

yun lang.

No comments: