Tuesday, May 26, 2009

waiting... still

minsan mapapakamot ka nalang ng ulo pag nabiro ka ng destiny. kasi hanggang ngayon, ang alam ko, tapos na ang paghihintay. pero hanggang ngayon, naghihintay pa rin ako. nagbago lang ng porma. nagbago ng anyo. nagbago ng proseso. pero sa huli, naghihintay pa rin.

minsan nakakapagod na rin. sa tagal kong naghihintay, lahat na ng pwedeng gawin, ginawa ko. lahat ng pwedeng isipin, inisip ko na rin. minsan, naisip ko na ring huwag nang maghintay. tatakbo nalang ako. ako ang gagawa ng sarili kong daan na tatahakin.

pero...

dasal ko lang lord, sana wag mo akong pagsawain maghintay. sana rin, yung hinihintay ko, maging makabuluhan. mahirap maghintay sa wala.

at ayoko maghintay sa wala.

No comments: