Wednesday, May 20, 2009

hold and let go

bibitiwan ko ang mga bagay na nagdudulot sa akin ng pag-aalinlangan. bibitiwan ko ang mga alaala at pangyayaring nagbibigay sa akin ng sakit at lungkot. bibitaw ako sa panahon na magdadala ng galit sa aking puso. bibitiwan ko ang oras na magbibigay sa akin ng mga pagdududa. bibitiwan ko rin ang mga gunita, bagay, at kahit taong hihila sa akin pababa.

kakapit ako sa mga bagay at taong tutulong sa akin maging mabuting tao. kakapitan ko ang mga gunitang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob sa kabila ng hirap ng pagdadaanan at pinagdaanan ko. kakapit ako sa katotohanan ng may pagasang walang makakabasag nito. kakapit ako sa ligayang maidudulot at dinudulot sa akin ng mga kaibigang totoo. kakapit ako sa pag-asang lahat ng ito'y lilipas sa takdang panahon upang maging buo at ganap.

No comments: