Wednesday, April 8, 2009

masaya

kahit na may apat na naglalakihang pimples sa mukha ko, at maraming beses akong makikita ng mga tao sa mga susunod na linggo, at may event kami in two weeks, at magbi-beach kami bukas, i'm happy.

kahit na medyo nagigipit na ko at halos wala na kong mabunot sa wallet at sa atm ko, kahit na hindi na ko nakakapag grocery in the last month, i'm happy.

kahit na madalas akong mag-isa sa bahay at wala akong ibang kausap kung hindi ang mga pader, kama, ilaw, at mga kasangkapan, o kaya nakaharap sa tv o sa computer, o kaya yakap yakap ang paborito kong unan, i'm happy.

kahit na feeling ko magkakasakit ako, at nararamdaman kong nanghihina ang katawan ko kahit anong gawin kong pagtulog, i'm happy.

kahit na sobrang init -- nakakapaso ng balat, at sa tingin ko kaya rin ako nagkakapimples, at nakakalagkit ng katawan at nakakainit ng ulo, i'm happy.

kahit na maraming nangyayari sa paligid ko na dapat kong ikainis at ikalungkot, at sinasabayan siya ng lahat ng nasa taas, i'm happy.

ewan ko, masaya ako ngayong araw na 'to, mahirap itago.

happy holy week!

ciao!

No comments: