Saturday, March 21, 2009

mystery caller

SHIYEEET NA MALAGKET!! kailangan ko lang talaga i-post to.
kakababa ko lang ng cellphone ko dahil may tumawag. ewan ko ba, pero hindi ko naman ugali ang sumagot ng telepono kapag hindi ko kilala ang number. pero kanina, sinagot ko siya.

manok: "hello"

*static*

manok: "hello-o?"

*breathing*

manok: "hello?!"

mystery caller: "tangina mo, inagaw mo siyota ko!"

*click*

ako ang nagbaba. natawa lang ako sandali tapos bumalik na ko ulit sa ginagawa ko.
pero hindi ako makapag-focus. tsaka lang nag sink-in sakin yung sinabi niya.

"tangina mo, inagaw mo siyota ko!"

shiiyyyyeeet! sana hindi ko muna binaba. sana pinatulan ko muna (kahit na alam kong walang patutunguhan yun). baka siguro, maging catharsis ko pa ang mga sasabihin ko sa mystery caller na yun. shit shit shit. sayang lang talaga. hindi ko nasabi sa kanya na:

"sigurado ka?!" tapos hahalakhak talaga ako ng sobrang lakas, dahil sobra siyang nagpapatawa.

o kaya:

"oo nga eh, sorry ha."

o kaya:

"wag ka nga! kasalanan ko bang may taste pala ang "syota" mo?!"

LOL to the 9th level lang.

sana rin natanong ko rin siya, "teka sigurado ka bang may love life ako?" sana nasabi ko lahat yun. sana nakapang asar ako ng tao na hindi ko kilala. o kaya, sana nadramahan ko siya sa love life ko. naman kasi, of all the times na manggaganun si mystery caller, ngayon pa! ngayon pa na nagiisa lang ako sa bahay. although in fairness to mystery caller naman, if ever tumawag siya sakin three years ago, ganun pa rin naman ako. hahahahahahahahahaaaayyyyyyy......

** note to self: ampanget ng salitang syota. yak.

yun lang. sharing lang.

naiinis pa rin ako. bow.

No comments: