Sunday, February 24, 2008

vef

papunta sa CR, nasabi ko sa isang ka-opisina: "ganyan talaga, people leave"


and then,
KABOOM! nasabi ko siya. hindi ko man lang naisip pero nasabi ko.

kasi mga apat na oras bago ko nasabi yun, binagsakan kami
ng bomba ng boss ko (dept head namin). magre-resign na raw siya. una hindi kami naniwala kasi mahilig siya (kami) magtarantaduhan. oo, katarantaduhan namin boss namin. kaya lalong mas mahirap isipin na kung kelan ako mas natutuwa sa trabaho ko, may panibago nanamang aalis.

sabi ko noon, mahirap maghanap at kumuha ng trabaho. pero napagisip-isip ko, mas mahirap makahanap ng mga katrabahong kagaanan mo ng loob. lahat kami sa department, masaya, bonding, maingay, mayabang, loko-loko, mapagbiro. pero lahat din kami sa department, nagagawa at natatapos ang trabaho, marunong sumunod, at lahat din kami responsable. sa totoo lang, ang department namin ang pinakamasaya at pinakamagaling sa buong kumpanya. ehem ehem. sabi sayo mayabang kami eh. pero seryosong usapan, yung paggalaw namin at ang mga nagawa namin bilang isang grup
o ay dahil din kay bosing. wala akong masabi. when it comes to work and human relations, isa siya sa mga nasa top 5 ko.

kaya ayun. nagtapos ang linggo sa modang malungkot. pero dasal ko naman ang patuloy niyang paglago at pagtatagumpay bilang entrepreneur at bilang tao.

eto pala siya.
ang angas no? maangas talaga yan. pero walang katulad yan!
yan si vins, aka bosing. si charles, nauna nang umalis nung october. at si bry... ano kaya... hahahaha


bosing, saludo ako sayo! pero inuman muna bago ka umalis! haha!

No comments: