Wednesday, December 26, 2007

sandali
nalang
at ang
ugat ay
dadampi na
sa lupa.

gahol na
sa oras
ngunit tila
nananadya
ang mga bulaklak
sa pagbuka
at pagsibol.

malapit na,
ngunit ang lupa
ay uhaw pa rin
sa pangako
ng tag-ulan.



No comments: