naisip ko lang, pag trainer ka, di ka pwedeng pikon. di ka rin pwedeng tatanga tanga. at mas lalong di ka pwedeng sumungit. dahil hindi lang isa ang makakalaban mo, taena buong class.
pag maingay ang class, di ka pwedeng mag-maldita. wag kang babanat agad ng "i deserve some respect." tae. malamang lahat naman ng tao deserves our respect, kahit sino pa yan. bilang trainer, trabaho mong makibagay sa ugali nila. sakyan mo ang sense of humor nila. talk in their interest. never antagonize a trainee. kung titira ka, i-address mo sa pangkalahatan tapos wag mo masyadong gawin seryoso. maiintindihan na yun ng mga trainees mo.
eh kung bigla kang magagalit, wala na. sira na ang diskarte mo. pati na rin ang interes sayo ng trainees mo. pano pa sila makikinig sayo?
oo nga't proseso ang dini-discuss mo. mahaba yan, paulit-ulit, mapalabok, minsan kumplikado, pero hindi ibig sabihin nun, papatayin mo sa boredom ang trainees mo. yung tipong isang pilik-mata na lang ang bumubuka sa mata nila. tae.
lalong lalo na, wag kang magagalit pag nagkakaroon ng diskusyon. ibig sabihin, nagtatanong sila sa isa't isa. therefore, interesado silang malaman kung ano man ang sinasabi mo. sakyan mo yun. gamitin mo ang ingay nila sa lalo pang pagpapaintindi sa kanila ng punto ng sinasabi mo.
when you work with marketing/sales people, don't expect a boring bunch of people who only speak when spoken, too. tangena hindi yan mga accountants o clerks, no offense meant. mga maiingay na tao yan, madaming iniisip, minsan nagsasalita na bago magisip. trabaho mo bilang tainer ang intindihin ang mga iyon.
oo, hindi ka trainer. pero pucha, sana naman marunong ka namang makibagay at umintindi. kahit dun na lang. para yun lang, may drama nang, "i deserve some respect." ay na-leche na.
wala lang. thinking out loud lang.
ciao!
No comments:
Post a Comment