medyo hindi ko gusto ang nararamdaman ko. hindi ko rin masyado nagugustuhan ang mga nangyayari. ayoko sanang isulat dahil matagal ko na siyang di pinapansin. pero for my sake, siguro, susubukan kong himayin ang mga bagay-bagay.
parati kong sinasabi, wala akong pakialam sa mga iniisip ng tao sakin. dahil kung ano ako, ganun ako. hindi naman ako nagpapakaplastik para lang tanggapin ng tao. masaya ako pag ang mga tao sa paligid ko at ang mga taong nakakasalamuha ko ay natatanggap naman ako. minsan nga, sa point na gusto talaga nila ako. i'm talking in all terms. pero minsan talaga may mga rejection na ang hirap lunukin. tanggap ko -- bilang spur of the moment, pero after a while, magsisink-in na siya tapos iisipin ko, "pucha, hindi naman ako mukhang orc." o kaya, "tae, major rejection yun ah!" mga ganun. ang hirap isipin, medyo masakit din sa ego, pero after a while din, makakamove-on din ako. kapalan nalang siguro ng mukha.
sa isa pang aspeto, medyo nabobore na ko. nagpapatong patong na rin ang frustrations ko. napupunta na rin ako sa puntong nagiging indifferent na ko. kilala ko pa naman ang sarili ko, pag naging indifferent na ko sa mga bagay, nawawalan na ko ng interes. nawawalan na rin ako ng kusa. nawawalan ng drive. minsan pinagkikibit balikat ko nalang. maari naman akong lumabas sa ganitong sitwasyon pero hindi ko pa makita ang perfect timing. parang laging pag nagsisimula na kong sumulong, may hahatak pabalik. pero yun na nga, nawawalan na ko ng gana. naghihintay akong may mangyari, pero mukhang natatagalan ang stagnation. okay sana ang stagnation -- pero sandali lang. eh sa personality ko pa naman, i can't be in one place for a long time. siyempre gusto ko at kailangan ko ng progress.
sa banda rito naman, ito malaking question mark talaga. naghihintay lang ako ng sign na matagal ko nang hinihingi -- kung para sa kin, tatanggapin ko ng buong buo. kung hindi naman, sana tulungan ako ni lord na makabangon. sa ngayon, hindi ko masasabing masaya ako ng buong buo. dahil marami pa akong gustong mangyari sa banda dito. minsan naiisip ko na baka masyado yatang malaki ang hinihingi ko. pero naiisip ko rin, yung hinihingi ko naman are the things that i deserve because it's what i do, too. kumbaga i do onto others what i want others to do onto me. ganun. pero parang tuwing iniisip ko, nasho-short hand yata ako. siguro ganun lang talaga. ito yata yung sinasabi nilang life is unfair. if it is, then i guess somehow, i feel cheated.
well, siguro kasalanan ko rin naman. kasi may tendency ako na laging matakot, mag-second guess, magduda sa sarili ko at sa gagawin ko. masyado yatang malakas ang pag-a-argue ko sa sarili ko to the point na natatakot na kong gumalaw. kumbaga, nagiging ugali ko ang, "don't fix if it ain't broke." ayoko pa naman ng ganun.
alam ko wala kang maiintindihan sa sinulat ko. pero tulad nga ng sinabi ko, para sakin lang naman to.
ciao!

No comments:
Post a Comment