minsan, sa 'di malayong nakalipas na panahon, nagagawa kong maging panatag sa mga gabing tulad nito. tahimik, tila walang gumagalaw at walang nagbabalak gumalaw.
may minsanang pag-ungol ng aso sa malayo ngunit mabilis din namang tumitigil.
sa malayong lugar -- malayong malayo sa kinauupuan ko -- sa ibabaw ng isa sa pinakamataas na gusali, may mga taong nagiingay. nagsasaya. lango ang kaluluwa sa alak, kwentuhan, tawanan, at samahan. at lango rin ang alak sa kanilang mga kaluluwa.
di pa tiyak, ngunit aalis din sila sa kanilang kinalalagyan. iiwan ang lugar na may natapong alak sa mesa, mga tirang pagkain sa platito, isang nahulog na tinidor sa sahig, at dalawang basag na baso sa pasimano. ngunit hindi magtatagal ang kalat na iyon at ililigpit din -- lilinisin ng mga taong minsan nilang inutusan ng isa pang baso ng tubig at pinaghingan ng kubyertos.
iiwan nila ang maingay na lugar at babalik din sila sa mga silid nilang walang ibang tunog kung hindi ang nakakabinging katahimikan.
at babalik din siya kung nasaan ako ngayon. sa espasyong hindi kaila sa kanya. sa upuang minsan ay naging kanya. at malalalaman niya ang pagkanta ng buwan. at mahihirapan na siyang sumunod sa himig ng isang gabing tahimik.

No comments:
Post a Comment