Wednesday, April 1, 2009

totally random thoughts

nung nag-aaral pa ko, kahit anong galing ng nagtuturo sakin, hirap silang ipaintindi sakin ang mga konsepto sa math. kahit lumuha sila ng dugo at magtatambling at kumain ng apoy sa harap ko, hirap talaga akong intindihin ang math. hindi naman ako bobo. ayoko lang talaga ng mga numero. pag numero na ang pinaguusapan, kusang lumilipad ang utak papalayo sa mga panget na numero at mga kung ano ano pang mga plus sign, minus sign, factorial, sine, cosine at kung ano ano pa. pucha, pakelam ko kung ang asymptote ay hindi na posible pang dumikit sa x-axis? ang naiintindihan ko dun, malungkot ang buhay ng asymptote, forever close, but never meeting at one point. hehe o diba, ang emo lang ng math.

sa math yun. (di pwedeng ang isa, higit sa dalawa)

pero sa anu pang mga bagay, madali akong turuan. pag kinausap kita at tinarantado mo ko, dalawa ang pwedeng mangyari -- hindi na kita kakausapin, o kaya, tatarantaduhin din kita sa susunod. pag inasar kita at napikon ka, may dalawang choices din ako -- wag ka nang asarin o kaya, aasarin kita, pero hindi kita pipikunin. kapag may pinagawa ka sakin, gagawin ko naman (basta ba hindi ilegal at kaya ng powers ko), pero pag nagbackfire sakin ang ginawa ko, eh wag ka nang umasang gawin ko pa ulit yun. marunong naman akong mapaso. hindi naman siguro ako ganun ka-masokista para lokohin ko sarili ko kung alam kong sa huli, ako rin naman ang talo. ganun lang dapat ang buhay... simple. hindi dapat ginagawang kumplikado.

nagiging kumplikado lang naman ang buhay ko kapag nahahaluan na ng emosyon. eh aminado naman ako, emosyonal akong tao. hindi mo man makita, pero sa totoo lang, 100% ang emosyon na nararamdaman ko. ganun lang talaga siguro ako, kung ang iba hobby ang pagsasayaw at pagkanta, ako yata kasama na sa hobby ko ang pagiging emosyonal. parang full time career na nga ata.

kaya rin naman gusto ko sa tao ang marunong magpakita ng emosyon. kapag natatawa sila, kailangan, halakhak kung halakhak. bawal ang demure na nagtatakip pa ng bibig pag tumatawa. kelangan, dedicated ka sa nararamdaman mo. pag naiiyak ka, i-iyak mo lang -- wag kang magpapacute at dahan dahan lang pupunasan ang mga luha sa mata mo. at wag ka na ring mag share ng mga ganung bagay sakin, kung wala kang balak idedicate ang sarili mo sa nararamdaman mo. kasi ako, mas gusto kong nakikipag kwentuhan at nakikipag usap o kaya nagfi-feeling um-advice sa mga taong nakikita ko ang emosyon. yung tipong pag galit, pucha! 100% galit dapat! hindi pwede yung 50% o 70% o 99% lang, dapat 100%! kung makakabuti ang mambato ng mga gamit, pucha, gawin mo! (sabihin mo nga lang ng maaga para hindi tayo sa bahay ko magkwentuhan) ang dapat lang, hindi ka dapat nakaksakit ng kapwa lalo na ang taong kinukwentuhan mo. aba naman, siya na nga tong nagmagandang loob na pakinggan ang mga kadramahan mo tapos sasaktan mo lang?! wag kang unfair.

pero alam mo sa totoo lang, nasa topic na rin naman tayo ng galit, ang wag na wag mong gagawin eh yung gaganti ka.

walang kwenta yun.

sayang ang panahon mo. sayang ang effort. magmumukha ka pang desperado. sabi nga ng kaibigan ko sakin (si rr), at nagulat talaga ako nung sinabi niya sakin na ang tanging naalala niyang sinabi ko sa kanya nung grade school kami is that "revenge is not the answer."

naman! mature na pala ako nung elementary ako! meehhh gannnoon!

pero seryoso lang, wala pa naman akong taong nagagantihan ko. siguro minsan, pag galit ako, pucha lahat na ng paraan ng pagiisip kung pano ko pahihirapan ang taong kinagagalitan ko, gagawin ko. pero hanggang dun lang yun. wag mong gagawin. alam ko kasalanan na rin yung magisip ka ng masama sa kapwa, pero at ang maganda naman dun, nakikita mo kung gano kababaw ang mga iniisip mo. sa huli iisipin mo lang na "shiyet! buti nalang hindi ko ginawa yun!! nakakababa lang pala ng level!"

ayun ganun ganun lang.

ayun lang naman. kung may pintunguhan man ang sinulat ko dito, eh di very good. kung wala, well, sharing lang. magdasal nalang tayo at magpakabait dahil malapit na ang mahal na araw.

ciao!

inxs: the good thing about hitting rock bottom is that there's no other way to go but up. just a thought.

2 comments:

tiyarls said...

even without this entry, it's crystal clear how emo you are. IN ka ngayon bry hehe.

just want to say that I agree, 100%,with what you said about revenge. however driven by a reflex reaction, it must not be impulsive. it should be well planned para walang palpak! haha! seriously, this is a whole new discussion but i agree, i agree. thanks for bringing that up. i feel i'm gonna make use of that some time. . .

pero, with regard to the 100% show of emotions, i think it's always 100%. never less than that. i think that what happens is in a certain emotion, it is not usually consist of just one. in a certain expression there can be more. if i cover my mouth in laughter, it may mean that i'm not only having fun but i'm also feeling shy during that time. (teka, top 10. . . .)(ayan, tapos na hehe). so it doesn't mean that if one covers mouth while laughing, that person's withholding a part of his fun. but in fact that person is showing you that at that moment, that person's emotion is a mix of fun and shyness. that is his 100% of emotion broken down in a pie chart =)

pero nakuha ko ang ibig mong sabihin, iba pa rin kapag buo ang emosyon. buo ibig sabihin isang solido na damdamin sa isang pagkakataon. may mga oras para sa ganung damdamain. at marahil ito ang tinutukoy mo.

un lang. blog mo 'to kaya di ak magmamarunong pa lalo haha! nagpapahiwatig lang din ng damdamin, sa blog ng may blog nyahaha!

|| manokchicken || said...

tiyarls! hahaha natawa ako sa mala-blog mong komenta hahaha =D

and true that! tama nga naman ang pie-chart mong konsepto.

i guess my point is, idedicate mo lang ang sarili mo sa nararamdaman mo -- pakatotoo ka lang. parang ako, dedicated and (i quote) hobby ko na ang maging emosyonal hehe!

thanks for dropping by tiyarls!