bilang nagkaroon nanaman ng isang weekend, nagbalak akong magedit-edit lang.
sa 'di pinlanong pagkakataon, nagkaroon kami ng photoshoot ng pinsan ko gamit ang digital na slr ng boypren (mok) ng pinsan (cheska) ko nung isang-isang linggo (matagal na, in short). pinaglaruan at nagfeeling lang. at bilang utu-uto rin ang pinsan ko, hinimok ko siyang pumose-pose sa pinakamalinis na dingding ng bahay namin (mahirap humanap ng ganun okey?!). ayun nagpauto naman siya at nakakuha ako ng mga maayos na shots ng mukha niya. lilane pala pangalan niya.
ewan ko ba, siguro nasa portraiture ang karera ko at kahit na anong lawak ng shots ko, di ko namamalayang naka-crop ko na pala siya sa papunta sa mukha. kaya yung mga gustong magpabeauty shots jan, pumunta lang sa bahay ko sa makati (hindi yung sa dasma o sa forbes, dahil ni lupa sa paso, wala ako dun) at magdala ng tumataginting na pera, pera, salapi, salapi, kwarta, at kwarta. kung ayaw niyo, 'di wag, wala namang pilitan to eh. tutal, maguutuan lang naman tayo. (sabayan ako sa pagbigkas: HINDI AKO MUKHANG PERA o MONEY-FACED sa mga tanga tanga magtranslate diyan)
sabi ko nga, level na kung level ang pagpapanggap ko. bilang gayon, gumawa ako ng isang logo para sa mga ret... ritra... litrat... pictures na i-eedit ko ng maximum level.
naiinis ka na ba sa sulat ko? 'di bale, ako rin. kaya ito na ang mga RITRATRO na todomaximum kong inedit. magpakalunod ka. saksak mo sa baga mo. tignan mo ng tignan hanggang sa mamatay ka. =P jowk lang! 'to naman sensitive! emo ka?! oha oha..
nga pala, wag kalimutan ang star ng bawat ritrato, ang logo. =P
una kong gawa. gusto ko ng natural lang... natural na pageedit.
natutuwa ako dito kasi ninakaw ko lang yang shot na yan. ang lakas kasi ng bentilador sa harap ng mukha niya. in fairview, quezon city, mukha namang natural lang.
natutuwa ako dito kasi ninakaw ko lang yang shot na yan. ang lakas kasi ng bentilador sa harap ng mukha niya. in fairview, quezon city, mukha namang natural lang.
at dahil natuwa ako sa "look" at "feel" ng picture, fineel ko na rin ang magedit. tutal, malapit na magpasko.
siguro napansin mo na rin na nag-edit ako ng mga pictures nitong nakalipas na linggo para kunyari lomo. ayun, inapply ko ulit siya ng konti lang naman. narealize ko, gusto ko ng mukhang lumot ang kulay.
o siya. nahihilo na ko sa pagpapanggap.
MEEEEEEEDIIIIIIIIIIIIIIIIICCCCCCCCCCCCCCC!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!1111111
pero wait lang, game na, purihin niyo na ko sa sorbang galing ko.
hep hep hep hep!! @&%~$*^ ka rin!
ciao!
2 comments:
Very nice! Ang galeng...! Ang linis ng pagkagawa. Napalutang mo ang ganda ni Lilaine - in fairness...:) I like the shadow effect of the 2nd photo. and the 4th one too.:)
Very nice! Ang galeng...! Ang linis ng pagkagawa. Napalutang mo ang ganda ni Lilaine - in fairness...:) I like the shadow effect of the 2nd photo. and the 4th one too.:)
Post a Comment