Thursday, November 27, 2008

ang pagtatapos

the dale carnegie training offers the following courses:

dale carnegie course: effective communications and human relations
This course will help you master the capabilities demanded in today's tough business environment. You'll learn to strengthen interpersonal relationships, manage stress and handle fast-changing workplace conditions. You'll be better equipped to perform as a persuasive communicator, problem-solver and focused leader. And you'll develop a take-charge attitude initiated with confidence and enthusiasm.

In short, the course will power you to move far beyond your comfort zone as you stretch for and attain ambitious new goals.
leadership training for managers
Leadership development has meant different things in different times. The modern leader knows that it means developing the skills needed to motivate the modern team. These necessary skills can be learned through a leadership development training program, which is less stressful than being forced to learn the skills on the job. Working your way up the ladder, you've experienced numerous leadership styles from the previous generations of managers. With these new expectations, managers need to undertake new leadership development training strategies.

This management leadership training course will teach you how to stop managing and start leading; and, as a result, make you a vital part to your organization's future. Investing in leadership development training will help build your team's leadership fundamentals, which will ensure you are more than likely to have a bright career path ahead of you.

This management leadership training course also empowers you to practice the skills you need to stop pushing and start pulling. Developing the skill set of the modern leader will help your team to thrive within the company and it will help you to achieve your career goals.
high impact presentation
Whether you are persuading colleagues, selling a client or energizing a team, the power of your presentation makes the difference between success and failure.

The experience in this presentations skills training seminar is as close as you can get to having a personal, public speaking coach. You present at least seven times over the course of two days. Your presentations are videotaped and evaluated. And you get expert one-on-one coaching at the end of each presentation.
(source: http://www.philippines.dalecarnegie.com)

the executive training institute is the sole franchise holder of dale carnegie training in the philippines.

-----

masaya akong natapos ko na ang lahat ng ito. dahil dito, tapos na ang panahon ng pamimilit ng mga kasamahan sa trabaho sa pagdalo sa mga kursong ito =) ngunit sa kabila nito, ako ay masaya sa aking pagtatapos.

katulad ng nabanggit ko, natapos ko na ang ikatlo at pinakahuling kurso na tinatawag na high impact presentation. ang una kong dahilan kaya ako nagpalista sa kurso ay gusto kong maging mas mabisa sa paghihimok sa mga taong dumadalo sa aking mga pagsasanay. bagamat ang karera ko ay nasa pagsasanay o training, naniwala ako na hindi ako isang "ma-sales" na tao. sa totoo lang, ako ang tipo ng tao na hindi namimilit: kung gusto mo, mabuti. kung ayaw mo, 'di 'wag. kabilang sa aming ginagawa tuwing kami ay nagsasalita sa harap ay maghimok ng tao. kaya naman ang pagbabago sa ganitong istilo ang una kong layunin sa pagsali sa kurso.
kaya naman laking gulat ko nalang ng sabihan ako ng aming tagapagsanay na mabuti at epektibo akong tagapagsalita upang manghimok ng tao; sa totoo lang, parang nakikipaglaro ang kalawakan sa akin sapagkat sa tuwing ako ay magtatapos ng aking pagsasalita sa harap, lagi akong pinupuri ng aming tagapagsanay. hindi naman sa pagyayabang, ngunit minsan, masarap din sa pakiramdam ang mapatunayan na ako pala ay may kwenta. malabo man kung iisipin, minsan mabuti ang masabihan na ikaw ay mali -- lalo pa kung ito ay may kinalaman sa iyong kakayanan.
nagkaroon kami ng pitong pagkakataong makapagsalita sa harap upang maitama at masabihan kung ano man ang kailangan naming baguhin o ayusin sa aming pagsasalita. at sa lahat ng pagkakataong iyon, wala namang masamang nasabi sakin. pinagpupursigi pa nga ako ng aming tagapagsanay na ipagpatuloy ko ang karera sa pagsasanay sapagkat ako daw ay may natural na biyaya sa pagharap at pagsasalita sa madla. wala akong ibang masabi kundi ang lubos na pasasalamat at binanggit ko na rin sa aming tagapagsanay ang tungkol sa aking paniniwala bago pa man ako magsimula sa kurso.

hindi ko na nais pahabain pa ang mistulang pagbubuhat ng sariling upuan. ang punto ng aking pagsusulat ngayon ay hindi para gawin ito kung hindi ang pagpaptunay sa sarili ko na mahusay pala ako at ang kailangan ko lang ay maniwala sa aking kakayanan.

siguro rin ay nagtataka kayo kung bakit ako nagsusulat sa wikang filipino. ako ay nagsulat sa wikang filipino sapagkat nabanggit sa akin ng aming tagapagsanay na ang nakikita niya sa akin ay isang pang-"corporate" na tagapagsanay at hindi siya sigurado kung kaya kong humarap sa masa. pinatunayan ko sa kanya, at sa akin, na kaya ko ito sa pamamagitan ng aking huling paguulat sa wikang filipino. pinandigan ko na lamang ang pagsusulat dito sa filipino.

sa pagtatapos, nais kong magpasalamat sa aking mga kasamahan sa trabaho sa paghihimok sa akin na dumalo sa nasabing kurso. nagpapasalamat din ako sa aming tagapagsanay na si rex resurreccion at elean pazon sa mga mabubuting salita na masagana at taos puso nilang ipinamahagi sa akin at sa buong klase. pinasasalamatan ko rin ang aking mga kamag-aral sa pagsuporta at patuloy na paniniwala sa akin at isa't-isa sa pamamagitan ng pagbibigay ng angkop na palagay, pananaw, at kritisismo sa bawat pagsasanay. nawa'y naging mabuti at masaya ang kurso sa inyong lahat, tulad ng sa akin.

sa panahong ito, gusto ko rin magpasalamat sa Panginoon sa pagbibiyaya sa akin ng mga talentong minsan ay hindi nagagamit sa tama. sa Panginoon ang buong kadakilaan!

muli, maraming, maraming salamat!

No comments: