inaamin ko, nabasag ako. pero ngayon, unti unti ko nang pinupulot ang mga basag na piraso at dahan-dahan ko na siya naipagkakabit-kabit. alam kong matagal pa ang proseso -- wala pa nga ako sa kalahati -- ngunit hindi ako naghahabol ng oras.
inaamin ko, sa maikling panahon, bagamat tila halos isang sentenaryo ang lumipas, nawalan ng direksyon ang buhay ko. para lang akong alikabok na nagpapadala sa iba't ibang elemento para lang lumagpas ang isang araw ng hindi ko namamalayan.
inaamin ko, nagtapang-tapangan ako. kahit na alam kong sa isang segundo ay kaya ko nanamang madurog ng milyong-milyong beses.
inaamin ko, may nalalaman ako na ako lang din ang may alam. bukod siguro sa mga iilang malapit sa sikreto ng panandaliang pagbalik.
inaamin ko, nagpakasasa ako sa lungkot at pangungulila, bagamat may mga taong pilit akong binubuhat mula sa aking pagkawasak.
inaamin ko, naging mahina ang laman at bumigay ako sa masaganang biyaya ng kapaligiran.
inaamin ko na masrap mang magbalik tanaw at lunurin ang sarili sa mga nakalipas, dahan dahan ko nang naililipat ang mga pahina at malapit na rin ako sa katapusan ng kwento. unti-unti ko nang nalalagyan ng mga katangian ang mga tao, mga mukha ang mga karakter, ng mga taong lumagi at sumaglit sa buhay ko.
inaamin ko, na sa bawa't paglipas ng mga araw, dahan dahan na rin akong gumagawa at lumililok ng mga panibagong kwento at gunita sa pagod ko nang isipan.
malapit na ang aking kaarawan. sana rin malapit na ang aking ganap na katinuan. dahil inaamin ko, halong takot, kaba, at pananabik ang naglalaro sa akin.
at nilalaro ng akin.

mananampalataya pa rin ako.
hanggang sa muli, paalam.
No comments:
Post a Comment