gusto kong maging robot. sa isang pindot lang may lalabas na laser gun sa kamay ko. sa isang tapik sa gilid, my bubuka sa likod ko at maglalabas ng isang malaking pakpak na gawa sa bakal -- yung may mga komplikadong tornilyo at yung umiilaw din. pag may gusto akong gawin, ipo-program ko lang sa system ko at wala akong gagamitin kundi ang isip ko, tapos gagawin na ng mga umuusling mga bagay sa katawan ko. maganda din kung kaya kong makarinig ng mga tunog (at isama na rin ang mga usapan ng mga tao) hanggang kung saan ko gusto. ok rin kung meron akong bionic eye -- may x-ray vision, telescopic vision, photographic at lomo vision. oo gusto ko ng lomo vision kasi mas masaya at maganda ang mga bagay bagay kung sasadyain kong baguhin ang mga kulay nito at ihulma sa sarili kong imahinasyon kung pano siya tatatak sa isip ko. kaya ko naman gusto ng xray ay hindi para maghanap buhay ng x-ray na parang clinic malapit dun sa kanto namin. iba ang x-ray na gusto ko, gusto ko yung nakikita ko yung kalooban ng tao. yung nakikita ko kung pano pumoporma ang mga titik sa utak niya bago pa man siya magsalita, pati yung mga notang iniisip niya at mga tunog, kulay, at kahit panaginip na iniisip ng taong nasa harap ko.
mahirap kasing maging tao. masyadong pasakit ang mga bagay bagay. eh kung may "off" button ang mga yun, mas masaya na ang mundo. wala na sanang giyera sa iraq, wala nang papatay ng mga tao, wala na ring magnanakaw ng mga cellphones, at may world peace. dahil lang yan sa isang "off" button sa katawan mo. at kapag tao ka, nalalason ang systema mo sa kakaisip ng mga bagay bagay na alam mo namang tatawanan mo lang rin sa huli. kaya naman pag rumo-robot ako, dapat ding lagyan ng anti-virus para mawala na ang mga nakakalason at nakakasira ng sistemang mga pagmu-muni-muni at pagtatanong sa sarili.
diba? mas masayang maging robot. may world peace ka na, may peace of mind ka pa. devoid ka pa sa kahit anong mga sakit-sakitan o kaya iyak-iyakan o kaya fake-fake-an at kung ano-ano pang mga emosyon na meron na, nangyayari pa lang, at mangyayari pa lang.
ay, robot?!

2 comments:
hmm.. may pinanghuhugutan.. dramaness!
mas madrama ka saken friend.
krystel, oo ako yata ang drama king.
Post a Comment