Thursday, April 24, 2008

pa-special daw oh

kailangan kong mag-release.

i don't want to make a big deal out of this sana kaso therapy ko na ang magsulat.

ayoko kasing maging pabigat sa team. sa lahat ng mga team na sinalihan ko, kahit sinong tanungin mo, never akong naging pabigat - lalo na yung mga sinasadyang pabigat. hindi ako pa-special. dahil vain man ako at gusto ko ng atensyon, hindi ako ang tipo ng tao na gagawa ng kainartehan para lang makakuha ng atensyon. in fact, that is my pet peeve. kaya hindi ako ganun.

kaya nakakainis kapag nagiging ganun ka ng hindi mo naman sinasadya. lalo na kung sa umpisa pa lang naman, malinaw na sa mga tao sa paligid na may mga bagay na hindi ako kumportable gawin. tapos sa huli, people will see you as pa-special. tangena naman.

hindi naman kasi ako nagsasayaw. isang beses lang ako nagsayaw ng solo. nung december sa christmas party. sa umpisa pa lang, ayoko nang sumali. sabi ko pa, ipagawa na nila lahat lahat sa akin, huwag lang ang magsayaw sa harap ng tao. pero dahil hindi ako pabigat sa team, sabi ko sa kanila, sige, just this once, i will do it. i'll charge it to experience nalang din. so ok naman ako dun. ginawa ko siya. binigay ko lahat lahat ng kaya ko. ok na. sabi ko sa kanila "this is the first and last time i'll ever dance in front of a crowd."

seryoso ako.

ngayon, naisipan nilang mag present ulit sa isang event. kasama ang grupong sinalihan ko. maaga pa lang, pinaalalahanan ko na silang ayoko na. that i'm done with that experience.
again, seryoso ako.

pero parang hindi yata nila naiintindihan ang tagalog at english. pinipilit nila ako. eh ayoko nga. ang masama pa, ako yung nagmumukhang masama. ako yung nagmumukhang pa-special.
nakakabanas pa na umabot sa svp ang pagtanggi ko. kahit na ano pang sabihin ko, umabot na sa svp. tangena naman diba.

"eh sino bang may gusto?"

aba ewan ko sa inyo. basta ako ayoko. ginawa ko na siya ng isang beses at malinaw sa umpisa na isang beses ko lang siya gagawin. may hindi ba ko nasabi sa inyo? may hindi ba maliwanag sa AYOKONG MAGSAYAW SA HARAP NG MADLA?! hindi naman ako nagpapasolve ng calculus ah.

"it's part of our job"

no, i beg to disagree. we do a lot of things that is way beyond what our job description says. and that's ok with me. to the point that it is already to my detriment. hindi na ko naningil ng mga taxi fares na dapat charged sa kumpanya. kahti na hindi ako madalas mag OT hindi naman na ako nagfa-file. hindi rin ako humihingi ng sobra kahit na minsan gusto ko nang magreklamo ng malakas dahil sa kahit computer sa opisina ay hindi maayos. hindi rin ako nagiinarte pag pinapasali ako sa mga extra curricular activities na may involved na pagkanta - dahil ok lang naman siya sakin, hindi naman masyado nakakahiya boses ko, ehem ehem. there are a lot of things na ginagawa ng team namin na more than our job description dahil gusto namin at enjoy naman kami.

but i know where to draw the line especially if i'm already being forced to do something that which makes me uncomfortable is an understatement. kung ok naman ako sa pagsasayaw, bakit ko naman ipagdadamot yun?

buti sana kung may kinalaman siya sa trabaho - training, marketing, administrative jobs, at mga presentations.

oo, it's a personal choice. i also take it personally when i'm being forced to perform something that humiliates me to my very core.

i still have my boundaries, yes.

kaya sana huwag namang ganun. mahirap maipit sa sitwasyong sa umpisa pa lang, iniiwasan mo na.
ang sakin lang, huwag namang kunin yung katiting na hiya meron ako. ang arte ko, pero yung ang totoo kong nararamdaman.

the feeling is so strong that i'm actually willing to resign if it ever comes to that point.

BUT.

since ayoko nga mag pa special, kung pipilitin nila ako, sige. PAYN! gagawin ko. pero i hope it's clear that i will TOTALLY NOT ENJOY IT AND THAT I'M NOT LOOKING FORWARD TO IT AT ALL.


hindi ako pa-special.

2 comments:

Anonymous said...

haha! akala ko naman firm ka na sa stand mo eh, natawa naman ako sa ending mo =)
funny i didn't hear about this last saturday, i think it would've spiced up more the interesting conversation we had. hmmmmm. . . .
any way, i just want to say i understand where you are coming from (makati right?) and i hope that the svp gets to read your blog hehe...
but if ever you decide (or are forced) to do such, i know you can do it well kahit di ka masaya. and that makes you a greater person =)

|| manokchicken || said...

chaaaarlieee!!!

wuy, lasing ka ba? dinaanan natin to nung saturday haha!

and yea makati ako now at ayoko siya mabasa ng svp haha..

hihihi thanks charlie, the ever optimist! =P