kanina, habang nagyoyosi ako sa harap ng opisina, may dumaang batang babae sa harap ko.
may dala dala siyang dalawang malalaking supot na halos kalahati na ng kanyang katawan sa laki. mga tinapay yung nasa kanan tapos yung nasa kaliwa, di ko na nakita ng mabuti. habang naglalakad siya, napansin ko halos igapang niya na yung isa niyang paa. tumigil siya sandali sa harap ko ng hindi ako pinapansin. tapos tumungo siya sandali.
sira pala yung isa niyang tsinelas.
binaba niya yung malalaking supot na dala niya tapos sinubukan niyang ayusin yung tsinelas niya. nagulat ako pero matapos ang ilang sandali, tumuloy na siya sa kanyang lakad, dala-dala ang dalawang malalaking supot habang ginagapang ng isa niyang paa ang tsinelas na sira.
yun ang isa sa mga panahon na sumakit ang dibdib ko ng dahil sa sitwasyon ng iba.
naisip ko, ang arte arte ko sa katawan. naisip ko ang dami dami kong reklamo sa mga bagay-bagay. naisip ko, ang swerte swerte ko pa rin pala.
pero panandalian lang yun kasi nasundan agad ng pagsisisi. paano ko nagawang maging masaya dahil sa nakakaangat ako sa ibang tao?
ang sakit kung isipin.

No comments:
Post a Comment