Tuesday, December 18, 2007

pag-ahon

naalala mo ba yung dating nag co-contest kayo ng patagalan ng walang hinga sa ilalim ng tubig? naalala mo yung pakiramdam ng nung hihinga ka ng malalim habang hinahanda mo yung sarili mo sa paglublob sa ilalim ng tubig?

kasi alam mo na kailangan matagal kang di makahinga. kailangan mas matagal ka sa ilalim ng tubig, kailangan marami kang mahigop na hangin na kakayanin ng baga mo.

tapos naalala mo rin ba yung eksaktong pagkakataon na nasa kalagitnaan ka ng paglanghap ng hangin at ng pagbaba ng mukha mo sa tubig? naalala mo rin ba yung eksaktong pagkakataon na babasagin na ng iyong pagbaba ang mala-plastik na ibabaw ng tubig. yung plastik na yun ang tanging naghihiwalay sa kumportableng hangin sa malamig na ilalim ng tubig. naalala mo ba?

tapos syempre, dahil paggalingan ito, makikita mo nalang ang sarili mo sa ilalim na ng tubig ng walang halong pagdadalawang isip. segundo lang ang nilipas pero halos nakalimutan mo na ang pinakamalalim na paglanghap ng hangin na ginawa mo sa buong buhay mo. naalala mo rin ba yung pagkakataon na pakikiramdaman mo muna ang tubig bago mo unti-unting ibinubuka ang mga talukap ng mata mo. tapos makikita mo ang mga kakumpetensya mo sa ilalim ng tubig. pare-pareho kayong mukhang tanga kasi nagpipigil kayo ng hininga - nakakunot ang noo, halos nakapikit ang mata, at pilit na sinasara ang mga labi habang nakaipon ang hangin sa loob ng mga bibig.

dahan dahan mo ring kakalmahin ang sarili mo - kasi iniisip mo dapat di ka muna mapagod. kasabay nun, dahan dahan mo lang na ilalabas ang hangin sa bibig mo.
alam mo na yung sikreto ngayon - dapat dahan dahan, dapat maglalabas ka rin ng hangin ng paunti-unti.

ayun, tapos ok ka na. mga ilang minuto ka ring kumportable sa ganung sitwasyon.

hanggang sa unti-unti mo ring naramdaman na parang nauubusan ka na ata ng hiningang papakawalan mula sa iyong bibig.

" sige lang, " sabi mo sa sarili mo

" kaya ko pa. "

hanggang sa parang may nararamdaman ka nang tumutusok sa mga kalamnan mo. una pa isa isa, tapos pa-sampu-sampu. tapos sandali lang, parang isang-libong karayom na nag tumutusok sa bawat sulok ng katawan mo.

" teka lang," sabi mo ulit, habang pinikit mo nalang ang mata mo sa sakit

" sandali na lang... "

hanggang sa huling sandali, pipilitin mo talagang huwag munang umahon. kung alam mo lang, bibigay na talaga ang katawan mo. wala ka na ring kapangyarihang baliktarin ang ang gagawin ng katawan mo - aahon at aahon siya.

naalala mo ba yun? yung eksaktong pagkakataon na madalian mong iaahon ang buong katawan mo? naalala mo yung pakiramdam nun?

tapos pagdating mo sa taas, bigla ka nalang mapapalanghap muli ng hangin. mararamdaman mo buhay ka pa pala. sing bilis din nito yung pagkawala ng sanglibong karayom na tumutusok sayo. gagawin mo yung pinakamalalim mong pag-hinga, halos nakalimutan mo na nga na paggalingan pala ang pinasok mo sa umpisa pa lang.

tapos malalaman mo, ikaw nalang pala yung gumawa nun. sa sandali mong pagpikit sa ilalim ng tubig, naisipan pala ng mga kaibigan mo na iwan ka nalang doon. panalo ka nga, dahil ikaw lang ang kasali.

naalala mo ba?

___________________

some pics from our ghetto party. and after party "MMK" moments in the park.

co, shei, me, mai, jons, cathy

after the party, we decided to bide our time in, guess what, the park right in front of our office. so we went to mini-stop to get some food

nice arse that guy wearing red. lol. on our way to ministop. papparazzi. tsss.

my pissed-off-look in the park

fooling around. yeah i'm wearing my under shirt. it was quite warm that night. weird.

fooling around II.

No comments: