sige simulan na natin ang pagbabalik-tanaw.
enero
nako. ito na yung punto na ayoko gusto kong makipag giyera sa former work mate. manager siya, bisor lang ako. pero kahit na. mabuti nalang din at umalis ako doon dahil kung hindi, nagsimula at matatapos ang taon na miserable ang buhay ko. lalo pa't makikita ko ang mga taong plastikada at mga ipokrito. namen!
pebrero
nasa limbo ako nitong mga panahong ito. ito yung simula ng pagiging bum kong muli. walang masyadong nangyari, nanood lang ako ng nanood ng sine.
birthday ni yuri 'tong buwan na 'to.
marso
nagsimula na akong kumilos para sa panibagong trabaho. momentous ang buwan na ito dahil sa buwan na ito ko sinabi at kinonfirm sa sarili ko na, "i am ready for love"
o diba. napaisip lang ako - hanggang ngayon ready pa rin ako. parang hanggang ready nalang ako, walang get set, at go. nakakatawa pero hindi ako makatawa. hmp!
birthday ng nanay at ng kapatid kong si janna. pati ng barkada kong si macky.
abril
nagsimula na ako sa bago kong trabaho. april 2.
mejo nag small-get-together ang barkada ko. yun nga lang, wala ang ibang mga tao. si yuri nasa zambales. si tracy may duty. si nolan... ewan. ito rin yung buwan na pumunta kami ng zambales kasama si yuri. nakapag banana boat na rin ako sa wakas.
mayo
umuwi si jen sa pinas galing UK. hindi ukay ukay, totoong united kingdom.
sa buwan din ito nawala ang telepono ko. ang nakakatawa pa (na hindi ulit ako natatawa) mga ilang linggo bago siya mawala, pinagmamalaki ko sa mga ka-opisina ko na sa tagal din ng pagaaral ko sa taft, hindi pa ko nadukutan.
sabi ng destiny sakin "umm! gago!"
hunyo
isa lang ata ang highlight ng hunyo ko ngayong taon. umuwi nanay ko mula sa estados unidos. ayun. dumaguete nanaman. sabi ko nga "i've been dumaguete-d"
naks, imbento ng mga ganun. ayun, dahil bago pa lang ako sa kumpanya, nag leave without pay tuloy ako. isang linggo din yun. halos mag-amok ako nung nakita ko payslip ko.
birthday ni daryll, bunso kong kapatid. isama mo na rin si japs at si pedro.
hulyo
eto wala pa ring masyadong nangyayari. pero madalas nitong mga panahong ito, laging nasa bahay mga ka-opisina ni yuri. oks naman at least di na nalulungkot si yuri. nag-emote kasi siya sa trabaho niya, tinatamad na daw siya. heniwey, ayun nood pa rin kami ng nood ng sine. mga ganon ganon lang.
birthday din ng tatay ko. ika-27.
agosto
ayun, tong buwan na to, nagbonding na talaga kami ng mga ka-opisina ko. astig.
dito ko ring naramadaman na gusto ko pa rin pala yung dati kong pang gusto. nakaka-sad.
setyembre
hala, ito yung una at huli kong vblog. haha. o, wag niyo na i-check dahil mapipikon nanaman kayo(ng tatlong nagbabasa nito). at dahil may remnant pa rin ng nakaraang buwan tungkol sa mga bagay bagay ng love life, ayun, kumontinue pa siya sa buwan na to. at alam ko na 'daw' ang gusto ko. pfft.
death anniv ng tatay ko. ika-29.
oktubre
naging maganda ang pasok ng buwang ito. at kung gano kaganda ang pasok nito, ganun din ang kinapangit ng pagpapalit nito. dito na ko nagsimulang magtanong, mag isip, at mag duda. dito ko na rin nalaman na ganun na nga. birthday ko pa naman sa katapusan ng buwang ito. nagkatotoo na ang kinatakot ko sa umpisa ng taon.
birthday rin nila tracy at ni michelle.
nobyembre
syempre, continuation lang siya ng katatapos lang na buwan. ayun, tumuloy tuloy na ang naramdaman ko. ewan ko ba kasi kung bakit ganito, kung bakit kailangang ganun. tanginang fate to, sabi ko kailangan ko ng love life, hindi ng sakit ng ulo. ang alam ko magkaiba pa rin ang definition nun eh. sumakit na rin ang dibdib ko. umiwas ako sa kape. nalaman ko rin na may naghintay sakin, nalunod na ko sa kawalan at kalungkutan ng panahong ito.
dito ko nagawa ang di ko inakalang magagawa ko. ang magsulat tungkol dito.
dito na rin nagsimula ang pakiramdam ng pagiging mag-isa.
napalitan ko na rin ang template ko for 3 years.
disyembre
ito na ang naging comeback ng 2005 ko. tangena. ito na siguro ang pinaka malala kong pagtatapos ng taon. pagod, puyat, pagiisip, pagaalinlangan, pagdududa, at pagtatanong. lahat yun sa buwan na ito.
nalaman ko rin na aalis na pala si yuri papuntang cebu. 6 months lang naman daw. pero di na ata ako sanay/di ko na ata gusto ang maging mag isa. pero siyempre, hindi naman ako nampigil. umalis na siya nung 27 =,(
at tuluyan na kong magiging mag isa sa anim na buwan. dasal ko lang talaga, bumalik siya sa ika anim na buwan. dasal ko rin na lumipas na ang anim na buwan nang di ko nalalaman. ilang beses ko na rin binalikan ang anim na buwan at inisip kung gano katagal yun. at naisip ko na, tangena, ang tagal niya. nakakatakot.
hindi natanggal ng pagsasayaw (tanggal na rin ang kahihiyan ko sa katawan) sa harap ng madla ang lungkot ng pamamaalam pansamantala sa isang kaibigan.
dito ko rin naisip at nasambit ng malakas ang linyang nagpaiyak sakin: "lahat nalang ng mga taong malapit sakin, iniiwan ako."
nasimulan ko na ang countdown.