pagmulat ni fernan
imumulat ko ang aking mga mata.
nais ko sanang makakita.
gigisingin ko ang aking diwa
sa pagiisip na ako'y makaramdam.
hihimukin ko
ang bawa't kalamnan ng aking katawan
upang sumayaw
sa bawat kumpas ng panahon.
babangon at maglalakad
sa isang kalsadang baliko.
pipilitin ko,
mabigat man ang mga ito, ang aking mga paa
sa bawat paghakbang patungo kung saan,
hindi ko pa alam.
itataas ang mga kamay
sa kalangitan habang ako'y magdarasal
ng ulan sa tigang na lupa.
ayaw ko nang malingat.
ayaw ko nang makatulog.
sa aking kamay hahablutin
ang mga gapos. ako'y pakakawala.
hibang man kung ituring
sa wakas,
ako na ay malaya.
nais ko sanang makakita.
gigisingin ko ang aking diwa
sa pagiisip na ako'y makaramdam.
hihimukin ko
ang bawa't kalamnan ng aking katawan
upang sumayaw
sa bawat kumpas ng panahon.
babangon at maglalakad
sa isang kalsadang baliko.
pipilitin ko,
mabigat man ang mga ito, ang aking mga paa
sa bawat paghakbang patungo kung saan,
hindi ko pa alam.
itataas ang mga kamay
sa kalangitan habang ako'y magdarasal
ng ulan sa tigang na lupa.
ayaw ko nang malingat.
ayaw ko nang makatulog.
sa aking kamay hahablutin
ang mga gapos. ako'y pakakawala.
hibang man kung ituring
sa wakas,
ako na ay malaya.
No comments:
Post a Comment