Thursday, November 9, 2006

buhay sales man

ang buhay sales man

good morning ma'am! good morning sir!

yan ang linya ko sa trabaho ko ngayon. mga two weeks lang naman, pero kala ko ligtas na ko sa linya ko dati na

thank you for calling

at ngayon napalitan nanaman ng

happy holidays ma'am! happy holidays sir!

haay. nakakapagod. feeling ko nga autistic na ko dahil sa pagtayo maghapon. nagiging OC na rin ako dahil sa laging walang magawa pag walang tao ang tindahan. inaayos ko yung mga manggas ng t-shirt, tinitignan kung pantay ang mga hanger, sinisiguradong malinis ang mga naka display na items.

tapos ang masama kung may makausap man akong ka trabaho, isa lang ang paksa ng usapan.

tanong no.1: first job mo po, sir?

tanong na malamang kasunod ng unang tanong: san po kayo nag-work dati?

tapos sa mga ignoranteng walang alam, susundan ng isa pang tanong: ano yun/san yun?

tapos ako naman dahil sa sobrang wala nang choice kundi ang pahabain ang usapan para naman di ko mamalayan ang paglipas ng oras, papahabain ko pa siya. kukwentuhan ko sila ng mga nangyari sa kin sa una kong trabaho. tapos susundan ng isa pang tanong na ayoko talagan sagutin. dahil halos lahat sila mas matanda sakin at ayokong isipin nila na sa kesyo mas bata ako sa kanila, mas may alam na sila. syempre di ba, di mo naman matatanggal yun. yung tipong iisipin nila na

"ay ang bata pa niya, anong alam niya?"

ayokong mag alinlangan sila sa kakayanan ko base sa aking edad lalo pa't malaki ang pagkakataong ako ang hahawak sa kanila.

kung ano pa man, siguro masaya na rin ako sa ginagawa ko ngayon. mahirap siya sa pisikal na lebel. pero sa mga natututunan ko, gusto ko ang ginagawa ko.

nagkataon pang sumabay na manigarilyo yung isa sa mga supervisors din doon kaya't nakapagkwentuhan naman kami. natanong ko siya tungkol sa trabaho niya at kung ano pang mga anik-anik. hehe.

o siya, medyo mahaba na eh.

ciao!

No comments: