silang mga customers
nagtatrabaho ako ngayon sa isang kilalang companya na humahawak ng mga piling brands (go figure) management trainee ako kaya kailangan kong daanan lahat ng mga departments sa isang boutique. katatapos lang ng sales consultancy ko. salesman in short. at ito ang aking mga nakita, narinig at napagdaanan.
si ate/kuya
ito yung mga batang babae o lalaki na nasa edad na 15-20. iikot sila sa tindahan at titingin ng mga gamit. alam mong mga immature pa sila kasi ang una nilang pupuntahan ay yung may iba-ibang kulay na department o yung may umiilaw o yung KIDS DEPARTMENT. tapos ang malala dito parang gusto mo sila pauwiin ulit kasi sa porma pa lang, para silang inutusan lang ng suka ng nanay nila at dahil sosyal si ate, bumili ng suka sa glorietta. taray diba.
jologs
eto walang age requirement. isa lang ang pinupuntahan nila. yun yung may mga malalaking letra sa mga signage na nakalagay
kaya ang promo stand, parang pinutakte sa dami ng mga nilalang na ito. at pag nakita na nila kung magkano ang promo o discount, susundan pa ng isang tanong: KELAN ULIT KAYO MAGDIDISCOUNT? MAGKANO?
ang mga suyod
daig pa nila ang suyod sa pag aalis ng mga kuto. kaya nilang suyurin ang buong tindahan para lang humanap at gumamit ng testers. mapa-lotion, perfume, cologne, laruan, aftershave, pagkain - siguradung lahat yan itetest nila. at sa maniwala kayo't sa hindi, may nakita na kong ginawang lunch ang free taste.
at dahil tunay siyang mausisi, maghahakot pa to ng mga kapatid, kaibigan, asawa, kaklase at kung sino sino pa para i-test din nila ito.
mr. i-have-it-all
naka experience na ko ng customer na papasok sa tindahan na parang gulong gulo ang utak niya. dadalin niya ang kaguluhan ng utak niya sa mga damit na nakadisplay at sabay tanong:
"sa tingin mo, pag pupunta ako ng kasal, ano dapat ang isuot ko?"
syempre, kailangan kong sumagot:
"ah sir, sa hapon po ba o sa umaga?"
o diba, parang HIGH TIDE OR LOW TIDE?!
"sa umaga."
"mas maganda po kasi sa umaga yung mga light colors. tapos sa gabi yung darker colors." sabay turo at suggest ng mga polo.
sa dami ng tinuro ko isa lang sagot niya.
"... ay... meron na ko nyan sa bahay eh... sa neck tie kaya?"
ako naman si tanga, turo ulit. suggest dito, suggest doon. tapos sympre meron na rin siya sa bahay nun.
"eh putangina sir, nakikita naman ninyo ang nakadisplay na mga polo diba? kung meron kayo lahat niyan sa bahay, BAKIT PA KAYO BIBILI?!?!?!? umuwi nalang kayo"
sa isip ko lang yun.
at ang mabigat pa dun, kinaya niya pang magpa-reserve ng 3 polo. magsasara na ang tindahan, hindi pa siya bumabalik. hmmm, siguro... meron na siya sa bahay nun.
nagmamaganda at nagmamagwapo
ito ang mga taong feeling nila ang super ganda o gwapo nila. pag binati mo sila, parang feeling nila may crush ka sa kanila. dahil na rin sa sobrang pag fi-feeling nila, lalo silang mag-iinarte at magpapacute. mga taong masarap batuhin ng item. o kaya, mas maganda, yung malaking rack ng mga items. papasok sila sa store na nakataas ang noo at pa-english english pa, hindi mo naman maintindihan ang sinasabi. di lang nila alam, pagtalikod nila pagtatawanan nalang sila ng mga staff.
isnaberong "mayaman"
pwede na rin itong ilagay sa mga nagmamaganda at nagmamagwapo. ang mga taong ito naman ang mga nagfi-feeling mayaman. taas ng kilay ang sagot ng mga kawawang nilalang na ito sa mga good afternoon at good morning mo. dakilang utusero't utusera. kung magalit akala mo bigating customer. may mga nagsasabing matagal na silang customer pero sa tagal mo doon, at pag tinanong mo ang ibang staff, pare pareho lang namin silang nakita sa unang pagkakataon. kung magtaas ng boses akala mo kanila ang tindahan. pero katulad ng naunang kategorya, di nila alam ang lakas ng tawa namin pag alis nila. they are so pathetic!!
tunay na mayayaman
hindi ko alam pero ang nakakatuwang isipin eh yung mga taong alam mong mayaman ay yung talagang mababait at mahinahon. hindi sila utusero't utusera. sila yung pag may hinanap, mahihiya kang hindi maghanap sa sobrang bait at polite. hinding hindi sila nagtataas ng boses. sa bawa't pagbati mo, isang nakangiti at sinserong pagbati rin ang makukuha mo. may breeding talaga.
tagahimas, inspektor, atbp.
ito ang mga taong wala lang. napadaan lang sila sa tindahan. di naman nakakairita, di rin maganda. kasi papasok sila para lang mag window shop. o talagang dumaan lang. titignan ang mga merchandise, hahawakan... tapos aalis. hindi rin nagsasalita. hindi rin bumabati, pero hindi sila bastos. yun yung mga taong... wala lang. yun lang. bow.
i think i will encounter more of these species as i go along. and don't get me wrong, there are a lot of good and nice customers. but these are just worth note-taking. and i will do every observing to keep a record on my blog to keep each one of us watchful of our interactions.
it just makes me laugh and wonder about these people; how are they in their homes? how are they with their friends? ano kaya ang nangyayari sa buhay nila...
in the 8 hours of watching, observing, and assisting these customers (60% of the time are just standing and doing nothing) you just have to wonder.
i the meantime, until the next ish.
ciao!