Friday, March 31, 2006

sa pusod ng dagat

sa pusod ng dagat

hindi ko alam ang gagawin ko. malalim na ang gabi at bukas kailangan ko pang pumunta sa isang medical exam. na tetengga na ko sa bahay at nauubusan na ko ng gagawin. kasabay pa nun yung pagubos ng pera ko.

iniisip kong gumawa ulit ng tula kasi ang tagal ko nang hindi nakagawa. pero sisimulan ko pa lang, ubos na ang creative juices ko. parang hirap ako ngayong kumuha ng inspirasyon sa mga bagay bagay. siguro dahil nasa punto ako ng buhay ko na hindi ko talaga alam ang mga susunod na mangyayari. yung parang tahimik lahat. yung nakakatakot ng tahimik kasi parang may nagbabadya. gusto ko ring simulan na ang pagaaral sa mga sining na matagal ko nang ikinubli. ewan ko. siguro hindi pa ngayon ang takdang panahon.

segue lang: bakit kapag nagsusulat ako sa filipino, 'di ko maiwasang maging malalim. kahit na pilitin kong maging mababaw at conversational lamang ang aking mga salita nagiging madrama at maarte. o 'wag ka nang humirit. rhetorical quesiton yun.

matagal na kong naghihintay sa isang trabahong mailap. yung isang trabahong kaya ko, gusto ko, mahal ko, pinagaralan ko, at mahal ko. pangalawa nalamang ang sahod sa akin. pero ang laging kumakatok ay iyong mga matataas ang sweldo pero di ko talaga gusto. humihingi na rin ako ng isang pahiwatig mula sa itaas. pero wala pa rin. alam ko namang hindi sa aking panahon ang panahon Niya eh. kaya eto ako naghihintay pa rin. siguro napapagod lang ako maghintay at kumilos na ko para magsimulang gumulong ang buhay ko patungo sa mga gusto ko.

sige, sa susunod na linggo, malalaman ko ang nakatakda sa akin. bilang ko ang buwan na itatagal ko dun: tatlong buwan.

ciao!