concert, ginintuang beer, nakalimutang labahin at iba pa
isa na namang boring update!
linggo nanaman. ang saya. dapat kahapon maglalaba ako pero di ko nagawa kasi may compli tickets ako sa concert nila nyoy, kyla and regine na sponsored ng smart. ngayon, maglalaba ako pagbalik ko. sana lang matuyo para bukas may maisuot ako...
medyo masaya ang concert. kasi nakapagpasaya ako ng kaibigan dahil hindi niya pa nakikita si regine na kumanta. at kagabi ay halos matae siya sa kasisigaw ng pangalan nito ng lumabas siya sa stage.
nainis lang ako kasi parang ang pa special ni regine. talagang kung ano lang ang sinabing kantahin niya, yun lang ang kinanta niya. hindi siya kumanta nung lahat sila ay dapat nang kumanta. pero ayos naman kasi siya ang kumanta at hindi ang madla ang pinakanta niya. ganun pa rin siya. birit to the max habang nakaupo. hanep!
at si nyoy.
ganun pa rin. ang landi pa rin ng boses - in a very very good way. galeng!
bago kami pumunta dun kumain pa kami. pero ako lang ang kumain kasi katatapos lang ni japs kumain. at san pa kundi sa northpark. kung nag mcdo nalang ako siguro nabusog pa ako at hindi masyadong nasunog ang bulsa ko. hay.
forward ulit. tapos ng concert, pumunta kami sa manila pen para tumambay. dapat sa bar kami tatambay. pero kumusta naman, 12 pa lang sarado na ang mga bar. ibang klase! so sa lobby kami tumambay. at umorder. ng ginintuang san mig light na worth 150! presyong hotel talaga! buti nalang mabait ang isa sa mga waiters at kinausap na rin kami. kwento niya si imelda at ang kanyang mga alipores na twice a week nasa manila pen. kwento niya ang mga dirty politicians na mistulang mulawin sa kaka-akbay sa mga babaeng magkabilaan. kwento niya ang mga homosekswal na couples - mga mayayamang homosekswal na couples. kwento niya ang mga mayayamang nakikipag sosyalan doon. at kami. dalawang kaluluwang naliligaw sa grandioso at elitistang lugar. pang ibang lebel na kami! wahehehehe...
hindi ko alam kung ang beer ba mismo o ang presyo nito o ang sadyan pagkaantok ko at medyo tipsy na ako pagkatapos lang ng isang bote. siguro sadyang nakalalasing ang lugar.
charged sa room ang toma! hehehehe!
ngayon. pupunta ako ng school para suportahan ang mga kukuha ng bar exam. last sunday na kasi nila ito at kailangan daw kami nandun. whatever. pero tapos nun, punta ako ng cartimar para bumili ng sapatos that will last me another 8-9 months. gusto ko chucks. gusto ng bulsa ko japeks ulit. tignan nalang natin mamaya.
ay, bago pala ako umalis, gusto ko lang sabihin na ang labo ng panahon men! ngayon sobrang lakas ng ulan. at maya maya lang, naghuhumindik ang araw sa pagsikat. totoo pala yung sinasabi nilang "weather weather lang yan!" bukas kaya nasan na ko?
nga pala, natanggal si jb sa pbb. yes! buti nga!
sige. pero lagi kong nilalalagay dito sa bawat pagtapos ng entry ko ang salitang "ciao"
nag filipino ako ngayon. pano ang ciao sa filipino?
kaen!