ssshhh!
mga mensahe para sayo
isa ko sa mga laging nasasabihan ng mga sikreto. sa dami nga, minsan napagpapalit-palit ko ang mga mukhang may tangan na sikreto sa kanilang sikreto. pero mas madalas ay nalilimutan ko rin. marahil kaya rin nila sinasabi sakin ay sa dahilang madali akong makalimot ng mga sikreto at mas makakabuti sa kanila ang maihinga muna ang kanilang mga sama ng loob o ang kanilang mga pinakatatagong sikreto.
ngunit anong gagawin mo pag nakaalam ka ng isang bagay na hindi mo dapat malaman? nang hindi mo sinasadya? madali sana saking itago nalang sa akin ito ngunit paano kung masyado itong mabigat para lamang sa isang tao?
sa panahong ito, kailangan ko ng isang taong papayag na makibahagi sa kabigatan ng loob ko. at mas malaki ang hihingin kong kapalit na katahimikan at pagtitikom sa panahong sabihin ko ang aking nalalalaman. hindi naman ito sa ika-sisira nino man o sa ikasasama ng aking sarili. mahirap lang tlagang magtago.
para sayo:
akala ko ba ako ang iyong takbuhan? kala ko lang naman. katulad naman ng mga nasabi ko sa mga unang entry ko, ayoko na ma-expect. sadyang nakaka-panghina lang ng loob kapag hindi ito natupad. kaya steady lang ako. pag kay juan, kay juan.
para sayo:
hindi ko alam kung kaya pa kitang tanggapin. matagal ko nang naiisip dati kung kaya ko pa. hindi ko alam. isa lang ang alam ko: na ako ay magiging bahagi na lamang ng iyong nakaraan.
para sayo:
hindi ko alam kung talagang tugma ang itlog sa lugaw, ang dinuguan sa puto. pero isa lang ang alam ko. gaano man ka-labo ang pagkahalo, alam kong masarap pa rin.
para sayo:
kelan kita ulit masusulyapan? kelan kita muling mayayakap? kelan kita muling mahahalikan? kailan ko muling mararamdaman ang galak?
para sayo (ulit):
hindi kita kayang iwan eh. hindi ko rin alam kung bakit ba ganun. hindi ko rin alam kung makakaya kong lumayo na lamang at manood. hindi ko alam kung bakit kahit ganito ako sayo, pilit ka pa ring ganyan? siguro nakatadhana na ang ganitong buhay ko. magulo. ewan.
ikaw lang ang papanglanan ko dahil ikaw lang ang kaya kong panindigan dito. namimiss na kita soulee!! sana makapag usap tayo kahit sa ym lang sa nalalapit na panahon.
uyayi
hindi ko man lang nasilayan
at kung aking mararapatin,
wag kang munang iiyak!
baka hindi mo kayanin.
Ang napakeselan mong kutis
nais kong damhin
sa basurahan.