taft: ang pagmamasid
habang naglalakad ako sa taft pauwi, nakakita ako ng isang nanlilimos na babae. mukha siyang may sakit. kalunos lunos ang hitsura niya. nanghihingi siya ng barya sakin. karaniwan, hindi ko pinapansin ang mga ganitong eksena kapag nasa taft ako. bahagi na kasi sa lugar na ito ang mga ganitong pangitain - mga batang nanghihingi ng barya at mga taong grasa, mga taong hindi raw makauwi sa probinsya at nanghihingi ng konting tulong, mga taong namimigay ng mga stickers na "LOVE GOD" at pagkuha mo, sabay ang singil sa iyo ng pera, si jenny na matandang lalaking nanghihngi lagi ng barya, mga taong nakahandusay sa tabi at may maliit na basong plastik mula sa mcdonalds na katapat nito. at sa araw araw na paglalakad mo dito, hindi mo na ito mapapansin.
ngunit sa araw na ito, iba ang tingin ng lola sa akinl. para bang nangungusap sa akin ang kanyang mga mata - "iho, konting tulong lang"di ko namalayang dumudukot na ko sa aking bulsa at naibigay ko na ang bente na sanay pamasahe ko pauwi. di ko nalang ito pinansin. diretso nalang ako sa hagdan paakyat ng LRT (na pinamumugaran din ng mga taong nabanggit ko) sa pag akyat ko, napaisip ako - "ano kaya ang pakiramdam ng mamuhay sa lansangan? ang gumising araw araw nang hindi alam kung paano ito matatapos, kung pano ako kakain. paano kung nagkasakit ako? paano kung sa isang araw ng paggising ko sa mga eskinita ng lansangan, nalaman kong mamatay na pala ako?"
maraming mga eksena ang naglaro sa isip ko. isang araw - paano ko ito gagamitin?kaya naman mula sa pag akyat ko sa LRT hanggang sa pag bili ko ng tiket at pag hihintay sa LRT, gumawa ako ng mga dapat kong gawin bago ako mamatay. marami ito. at pinagisipan ko talagang mabuti ito. mula vito cruz hanggang sa gil puyat at sa libertad, nagiisip ako. halos di ko na maramdaman ang mga taong bumabangga sa akin. siguro pag mamatay ka na, magiging parang isang panaginip ang mga pangyayari. parang ang buong paligid mo ay gumagalaw at ikaw ang nasa gitna, nagmamasid; parang mga isda sa akwaryum. lahat lumalaki at nagiiba ang hugis. at sabay ng ilusyong ito ang mga pangarap na parang natutunaw sa bawat paggalaw ng mga bagay sa paligid.
sa pagdating ng oras na ito:
1. tell my loved ones especially my siblings and
my mother how i love them as much as i could
2. to play a major part in a
musical
3. sing in front of a live audience
4. bungee jump
5. climb a
mountain and reach the summit
6. watch the sun set on manila bay
7. scuba
dive in any reef
8. go to italy and the vatican
9. go to france
10. go
to brazil
11. scream to the top of my lungs on top of eiffel tower
12. eat
buckets of ice cream
13. ride the longest and scariest roller coaster in the
world, but if worse comes to worst, ill be happy in enchanted's space
shuttle
14. watch a catterpillar spin its coccoon and wait for it to
emerge
15. catch a butterfly
16. teach a myna or a parrot to talk
17.
color my dog, honeybunch, red, orange, yellow, green, blue, indigo and violet at
the same time
18. ...marami rami pa ang mga kasunod. ngunit siguro, hihinto muna ako sa mga ito..
No comments:
Post a Comment