Tuesday, September 14, 2004

gym rat

gym rat

its almost 1 am and i just came from the gym.. tama na tawa. basta yun, nag gym ako.. pero syempre right after kumain agad ako. kapagod no. try mo mag bench press, incline dumbell press at iba pang press sa katawan ko, tignan ko kung di kayo mapagod at magutom.
so we went straight to jollibee, and o, 24 hours na ang jollibee evangelista. so yun order galore ako. isang regular yum, coke, fries, pancit palabok pati yung bago nilang pocket pie na chicken something. basta masarap. ayun ubos ko lahat. at ubos din ang pagod ko sa kaka workout.
for today yun lang muna.. actually second ko to today.
pero may dag dag pa ko, nangaway pala ako ng employee ng GLOBAL CABLE kasi ba naman pinutulan kami ng cable. haller di naman sila nagpapadala ng mga bills and notices sakin. kapal. eh maraming beses ko na rin silang sinabihan ng schedule ko pra nasa bahay ako at ako mismo ang makatanggap ng bill. ewan ko ba sa mga tangan yon at hanggang ngayon, magdadalawang taon na akong naka subscribe sa kanila, 2 bills pa lang ang nakukuha ko, yung isa disconnection notice pa.. mga leche. binarurot ko tuloy siya ng english at di siya makasagot. dinagdagan ko pa ng mga hyfalluting words (tama ba spelling?). tapos tuwing magsasalita siya, bigla akong magsasalita na "EH ANO NAMAN NGAYON? DI YUN YUNG ISSUE, MALI ANG SAGOT MO!"syempre di niya na-carry at nag sorry nalang. ayan lumabas tuloy ang pagka RICARDO ko.. pero aanhin ko ang sorry? aanhin nga naman ng kabayo ang patay kung damo na siya. labo. malabo na utak ko.

sige na pwede na kayo mag comment sa tag board. sabihin niyo na lahat ng gusto niyong sabihin. otay? aight!
ciao!

No comments: